Mangkukulam.comKababalaghan at Alamat

Kaperosa

Mangkukulam from Filipino Folklore

Basahin Ito English

Kaperosa o mas kilala sa tawag na white lady. Sa Pilipinas ay maraming pinaniniwalaang kasabihan at mga nilalang na hindi nakikita ng pangkaraniwang tao. Isa lang dito ay ang white lady, at madalas maraming kwento sa mga liblib na lugar, mga lumang bahay, o lugar na pinangyarihan ng krimen. Ito ay multo ng isang babae, ang kanyang kasuotan ay mahabang puting damit, mahaba ang kanyang buhok. Ang white lady ay pinaniniwalaang biktima ng krimen tulad ng pagpatay, o babaeng nagpakamatay dahil sa pagkabigo sa pagibig o biktima ng pagtataksil ng asawa o kasintahan. Ang iban naman ay naniniwalang sila ay nananatili sa mundo sa kadahilanang mayroon pa silang naiwan at dapat tapusin.

Ang white lady ay madalas magpakita sa mga lumang bahay. Maaaring siya ay ang dating may-ari nito at gustong manatili sa kanyang tahanan.

Ang iba naman ay naniniwalang ang white lady ay nananahan sa lugar kung saan sya pinatay o nagkaroon ng masamang karanasan. Sinasabing sila ay hindi nananakit ng tao, pero ikaw ay matatakot dito.

Online eLoad for Globe, Smart

May kwento ang isang kaibigan na naninirahan sa Quezon City. Matagal na nilang nabili ang isang luma at malaking bahay na ito. Mahahalata ring ito ay luma na dahil sa disenyo nito, kahit pa napalitan at inayos na ang ibang bahagi nito. Ayon sa kanila, bukod sa kanilang pamilya, may mga nilalang na hindi nakikita ang naninirahan kasama nila. Ang anak na lalaki ay nasa sala at nakita nya ang kanyang kapatid na babae na nakatayo sa may bahaging malapit sa telepono at nakatalikod sa kanya. Ang kanyang kapatid na babae ay mahaba ang buhok at matangkad. Sa pag aakalang hindi sya nag-iisa sa salas, ay patuloy ang kanyang pagkukwento sa kapatid na kasama nya dito. Nang lingunin nya ang bahagi kung saan nya nakita ito, nagtaka sya kung bakit wala doon ang kanyang kapatid at walang kahit anong sagot o pag sangayon sa kanya. Nagtaka sya at nagtanong kung ang kanyang kapatid na babae ay nasa bahay. Nagulat sya ng malamang ito ay umalis at hindi pa umuuwi. Ang pangyayaring ito ay kanyang hinayaan na lang. Pagkalipas ng ilang mga araw, nakita nya ulit ito sa may pinto at akmang papunta sa kabilang kwarto, sinundan nya ito at pagkapasok sa loob ng kwarto, namangha sya ng makitang walang tao sa loob nito. Sa pagkakataong ito sinabi nya sa kanyang mga magulang at kapatid ang kanyang karanasan. At napag alaman nyang hindi lang pala sya ang nakakakita sa babaeng nakaputi. Ang white lady ay ginagaya ang kanyang kapatid na babae, pero hindi nya ipinapakita ang kanyang mukha.

Ang ganitong pangyayari ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan, kahit ang kanilang mga bisita ay nakakaramdam sa presensya ng white lady. Sila ay nasanay na lang at hinahayaan na lang kapag nagpapakita. Sapagkat sila ay hindi naman nito sinasaktan.

Ang white lady ay nagpapakita sa ilang saglit lang, pagkatapos ay bigla na lang mawawala.. Ang iba ay naniniwalang sila ay nakatira sa malalaking puno katulad ng balete, lumang bahay, o pinangyarihan ng kanyang kamatayan.

Ang ibang kwento, ang white lady ay pumapara at nakikisakay sa mga dumadaang sasakyan. At sa oras na sya ay tatanungin kung saan ibaba, magugulat na lang ang drayber sapagkat wala na ang babaeng kanyang isinakay.

Ilan lamang ito sa mga kwento ng misteryo, na pinaniniwalaang sila ay mga kaluluwang ligaw at naghahanap ng tulong para sila ay makalaya at makaakyat sa langit.

Kwentong Kaperosa

Meron kang kwento? Gusto mong share?

Ibahagi Ang Iyong Kwento