Kapre
Basahin Ang "Kapre" Sa English
Ang Kwento Tungkol Sa Kapre Ayon Sa Tunay Na Karanasan
May iba ibang bersyon ng kwento ang mga tao depende sa kanilang karanasan sa kapre.
Alam natin na sila ay nasa gubat naninirahan. Ito’y malaking lalaki. May kwento sa isang probinsya sa bikol. Ito ay ayon sa karanasan ng kanyang kaibigan. Minsan isang ordinaryong araw sa kanilang tahanan sa bundok, may lalaking dumaan at kumausap sa kanya. Ito daw ay mahitsura. Na sya lang ang nakakakita. Tuwing ito ay nagpapakita sa kanya, inaanyayahan sya nito na sumama sa kanilang mundo o kaharian kung tawagin ng iba. Sya ay nagkasakit, na hindi malaman ang dahilan, isang buwan na may lagnat, pabalik balik. Nang minsan na sya ay niyaya nito, sya ay sumama, ang kanyang kaluluwa ay ang sinasabing naglalakbay kasama ng kapre. Sa tuwing sya ay isinasama ng kapre , sya daw ay nawawalan ng malay at tanging kaluluwa nya lang ang sumasama dito.
Isinama sya nito sa kanilang mundo, pumasok sila sa isang butas patungo sa lugar ng mga kapre. Maganda ang pinapakitang pag uugali ng lalaki. Ito rin ay may maamong mukha. Maganda ang buong paligid. Ang isang nakakuha ng kanyang atensyon, ay ang mga pagkaing nakapaligid sa kanya.
Ang Kapre ay pinipilit syang kumain ng mga nakahain. May kapansin pansin syang nakita, pagkaing kulay itim. Na pilit na pinapakain sa kanya. Binigyan din sya nito ng singsing.
Ayon sa matatanda kapag ikaw ay pumayag na kainin ito, ang iyong kaluluwa ay hindi na makakabalik sa iyong katawan. Tuluyan ka na nilang makukuha. Ang katawang naiwan ay mamamatay.
Sa kanyang pagtanggi sa Kapre na kainin ang pagkain, nagalit ito. Isa lamang pala itong pagkukunwari. Nagbago ang kanyang anyo. Mula sa maamong mukha, sya ay naging halimaw. Pumangit ang kanyang hitsura. Patuloy ang pagpilit na sya ay kumain. Pero tuloy din ang kanyang pagtanggi.
Dahil hindi napilit, pinakawalan sya nito. Sa pagkakataong iyon, ang kanyang kaluluwa ay bumalik sa kanyang katawan. Hindi nya inakala na maraming araw syang nawala. Ang kanyang katawan ay may sakit at walang malay. Na inakala ng kanyang pamilya na sya ay patay na.
Ang mga albularyo ang karaniwang nagtataboy sa mga ito. May orasyon o pag aalay na isinasagawa para tuluyan na itong lumisan.
#1: Guest #231 (Christian Dandy M. Azares) - at 11:23 on 09 Oct 2016
Hi to the admin of this website. I'm actually from Bicol and since i am part of the media industry, we will be having our Halloween special where in we'll be featuring different horror stories and mine is to research on Kapre, would there be a chance that you can provide me the details of this true to life experience? I mean, may i know if who is the sender of this horror experience? I will be more than happy and thankful for your help. Rest assured, you will have credits on the national television. Thank you very much :) Should you have questions, please feel free to send me thru my email. God bless and more power to the group :)
#2: Guest #1178 (Gillianbautista) - at 13:25 on 19 Feb 2021
"Ang kwento ng paaralang project 6 elementary school"
Nagsimula akong mag-aral sa P6 noong ako'y siyam na taong gulang pa lamang.Nang akoy makapasok sa skwelahan na iyon ay lagi ko nang naririnig ang mga kwento ng aking mga kamag-aral tulad ng:may multo daw sa mga CR ng school,may mga kapre daw sa mga puno ng school,at may mga duwende daw na nakatira doon sa school.
Mahilig akong maglaro sa school.Ang mga madalas kong nilalaro kasama ang mga kaklase ko ay:chinese garter,habul-habulan,at UNO.Isang Umaga naglalaro kami ng mga kaklase at kaibigan ko sa room namin.Ang ingay ingay namin non dahil wala ang aming guro.Nagsisitalon kami at nagtatawanan nang biglang dumating ang aming guro.lahat kami ay nagsiupuan at nagsitahimikan.Hinihingal pa ako nnag umupo ako sa aking upuan.Ikang minuto ang lumipas.Napasin ko na parang hinihingal pa rin ako hanggang ngayon.Pero hindi ko na lang pinansin,siguro pagod na pagod lang talaga siguro ako sa paglalaro.Pero
parang hindi talaga maganda ang pakiramdam ko.Parang may isang bagay na bumabara sa aking lalamunan ko,hindi naman ako kumain ng mga oras na iyon.Unti-unti nang umikot ang paningin ko.At nang mapansin ako ng aking guro,ay aged niya akong nilapitan,at tinanong kung ok lang ba ako.Hindi ko na nasagot ang aming guro non.Pinaupo ako ni maam sa isang upuan na kumportableng upuan.Pinaypayan nila ako,tumawag sila ng security guard upang ibaba ako sa school.(Nasa fourth floor kase ang room namin).Nang maibaba ako ay ang nakita ko lamang ay nasa kotse ako kasama ang aking guro at isang tomboy na nagmamasahe ng mga kamay ko.Narinig ko pa na sinabi ni maam na wag daw akong matutulog.Nang sumunod na oras ay nakadating na kami sa ospital.isinakay nila ako sa wheelchair at dinala sa kama.inihiga ako doon sa kama.Nakita ko ang mama ko na umiiyak dahil nag-aalala soya sa aking kalagayan.Gusto ko nang matapos ang pangyayaring iyon pero mas Lalo pang humaba ang pangayayari.Ang sabi ng doctor wala naman daw akong sakit o karamdaman.Siguro ay napagod lang ako.Kaya iniuwi na ako ng aking mga magulang sa bahay.Nang biglang kumatok ang isa sa aming kapit bahay na si "ate bebe".Sabi ni ate bebe sa akin."Doon sa may puno ng sampalok ay mayroong nakatirang kapre.Alam ko na iyon nung una pa lang,dahil nausog na daw ang kanyang apo sa skwelahan na iyon.Kaya dapat lumayo-layo ka sa mga puno doon para hindi na maulit ang nangyari sayo".Kaya kinabukasan pumunta ako sa puno ng sampalok at himingi ng sorry.Pagkatapos ay nilapitan ako ng kaklase kong si "Carlen".Sabi niya sa akin.Ang project 6 elementary school daw ay isang maliit na hospital noon,na naging isang sementeryo,hanggang naging skwelahan.at iyon ang aking paaralan na project 6 elementary school.Wakas.
Maraming salamat sa pagbabasa ng aking kwento.