Mangkukulam.comKababalaghan at Alamat

Engkanto

Mangkukulam from Filipino Folklore

Basahin Ang "Engkanto" Sa English

Saan Ng Mula Ang Diwata

Engkanto o Diwata ang isa pang katawagan ay mga tinuturing na anghel mula sa langit, at dahil sa kanilang pagsuway sa Maykapal, sila ay pinarusahan at itinapon sa lupa. Ang iba ay sinasabing naninirahan sa gubat, mga ilog o matatandang punongkahoy katulad ng balete.

May babae at lalaking engkanto. Engkantada ang tawag sa babae, at Engkantado naman sa lalaki. Hindi pangkaraniwan ang kanilang ganda, magandang mukha, maputi o maputla ang kanilang balat, malaginto ang mahahabang buhok, asul na mga mata at mas matangkad kumpara sa mga pangkaraniwang tao.

May Mabait At Masamang Engkanto

Ayon sa mga albularyo, may mabubuti at masasamang engkanto. Ang mga mabubuting engkanto na nakatira malapit sa inyong tirahan ay hinahayaan na lang, sapagkat sila ay nagbibigay din ng swerte sa kanilang pamumuhay at kalusugan.

Ang iba naman ay mapaglaro. Kapag sila ay galit sayo,, ikaw ay magkakasakit na hindi nagagamot ng modernong medisina.

Kapag napasyal ka sa ilog at may nakitang babae na hindi pangkaraniwang tao na nakatira sa baryo, ito ay pinaniniwalaang diwata o engkantada na nang aakit. Mag aalok ito ng mga bagay o pagkain. Sa mga ganitong pagkakataon, dapat huwag tanggapin ang anumang bagay na magmumula sa kanila. Ang ibig sabihin kapag tinanggap mo ito ay ang pagkuha nya din ng iyong kaluluwa bilang kapalit.

Ang Engkanto ay maaari ding umibig sa mortal. Pero hindi dapat suklian ng pagmamahal, dahil ito ay nangangahulugan ng iyong kamatayan. Dadalhn nya ang iyong kaluluwa sa kanilang mundo.

Play yahtzee for free online

Kapag ikaw ay nagpunta sa gubat at may may narinig na boses ng mga nagkakantahan, nagtatawanan, ito ay nangangahulugang sila ay may ginaganap na kasiyahan. Sa mga ganitong pangyayari, dapat ay hayaan lang, wag magtuturo o magbabanggit ng kahit ano tungkol sa mga narinig, nakita o naramdamang kakaiba. Mas maigi din na bago magpatuloy sa paglalakad, magbanggit ng paghingi ng permiso o sabihin lang ''tabi tabi po, makikiraan po''.

Ang mga engkantada ay mahilig mang akit ng mga lalaking nagagawi sa gubat. Minsan kapag ang lalaki ay tumanggi, siya ay pinaparusahan, minsan nawawala sa sarili o di kaya naman namamatay.

Ang ibang matatanda ay naniniwalang sila ay nagbibigay swerte o kaya tumutulong para malunas ang isang may karamdaman. Ito ang mga itinuturing na mababait na engkanto. Pwede ring humiling kapag ikaw ay nagbigay galang at respeto sa kanila. Ang madalas gumawa ng mga ganitong ritwal ay ang albularyo. Kapag ikaw ay naging mabuti sa kanila, sila din sayo. Pagkakalooban ng magandang ani, pangangatawan at swerte.

Kwentong Engkanto

Meron kang kwento? Gusto mong share?

Ibahagi Ang Iyong Kwento



#4: Guest #658 (Jun2×) - at 07:09 on 20 Oct 2017


Ang kwento ko ay ingkanto rin
Ako si jun nkatira malapit sa bundok dahil nga USO mag gagamba at kami ay bata pa nag pasya kaming manguha nalang sa bundok ng nkarating nakami bigla nlang nag iba ang pakiramdam ko at naynaririnig akong tumatawag sakin at dahil akala kolang na masakit ang ulo ko dedma nalang pinilit Kong mag patuloy sa pag lalakad kahit na iba pakiramdam ko ang mga kasama ko ay mga tarantado at lakas mang trip agad silang tumakbo at iniwan ako nkaramdam nko ng takot dahil ako nalang mag isa kaya tumakbo narin ako hanggang marating ko ang matayog at madamong kahoy na tinatawag na balete kYa kahit diko alam nilalakaran ko pinilit Kong umowi nalamang at na ka owi narin kinabukas nilagnat ako at nakakita ako ng mga dimapaliwanag na larawan kaya labis na pag alala ng magulang ko nag pasta narin silang ipagamot ako sa albularyo at sinabing napaglalaroan ako kaya sabi ng albularyo pumunta saw ako sa bundok Kong saan ko natagpuan nag balete at humingi ng tawad at makiusap na pagalingin ako nag dala rin ako ng alay 6pm ako ng pumunta at ginawa ko nga ang sabi ng albularyo at ng natapos na ang pagbigay ng alay at himingi ng sorry ramdam ko namay nag mamasid sakin kaya tumakbo ulit ako at kinabukasan gumaling ako at parang walang ng yark

#3: Guest #542 (Shiong) - at 18:24 on 23 Apr 2017


Mag pepeysta kc s bayan nmin s probinsya kya nmn twing gabi may palabas s byan.kaya lagi kming nsa byan kming mag pipinsan.
Isang gabi mdyo boring ung plabas s bayn kya nag aya akong umuwi nlng pero ayaw pa ng iba,pero ung isang pinsan kung babae inaantok n din kaya kmi nlng dalawa ang umuwi,medyo may kalayuan din ung baryo nmin s bayan,buti at maliwanag noon ang buwan kaya khit wla n kming flashlight.m mdyo liblib din ung baryo nmin ung tipong pagpasok moh wlng kabahay bahay malalking puno at may malalaking bato ka din madadaanan,noong papasok n kmi unang makikita moh ung malaking bato n may nkatanim n puno s taas,at noong papalapit n kmi s puno kinausap aq ng.pinsan koh na may lalaki daw at naninigarilyo don so dedma koh lng kc nga wla nmn talaga aqng nakikita inisip koh lng n bka pinagttripan lng.aq ng pinsan koh pero bgla din aqng kinabahn kc nga alam koh n may.3rdeye sxa. nong nandon n kmi s bato tinanong sxa ng lalaki kung pwd daw sumabay s amin sumagot nmn sxa n ok lng .. nagpatuloy kami s paglalakad tinanong koh pinsan koh kung nandyn pa ung lalaki , nagulat aq sa sinabi nya n nasa likod daw nmin kaya nmn s subrang takot kumaripas n aq ng takbo, pati pinsan koh napatakbo n din nd nya alam kung bakit.. nong nkarating n kami sa bahy nila don koh plng nasabi s kanya n wla akong nakikitang lalaking sinasabi nya, pati sxa natakot nong nsabi koh un s kanya.. kaya cmula non nd n kmi umuuwi ng kami lng dalawa..

#2: Guest #107 (May) - at 06:49 on 22 Jul 2014


May kwento ang kaibigan ko tungkol sa enkanto. mMeron kaming practice para sa isang sayaw, naghanap kami ng lugar para dito ito gawin, sa bandang Cubao kami nakakita, nirekomenda din samin ng isang kaibigan. Unag araw ng aming practice ay naging masaya, maingay habang sama-samang nagsasanay. Kinagabihan, ang iba sa amin ay tinubuan ng butlig o parang tagyawat, makati ito at kumakalat sa ibang parte ng katawan. Isa sa mga ang nagpatawas, ayo sa kanya, meron daw syang nasagi na isang babae na hindi nakikita sa may park, kinakailangan daw humingi ng paumanhin sa mga ito upang tuluyang gumaling.

#1: maiden.zest - at 03:45 on 08 May 2014


Totoo ba talaga ang mga engkanto? meron akong inilagay sa sa mesa, at ngayong kukunin ko na wala na ito, walang ibang tao,, sino naman kukuha nun?? Engkanto ,,, ilabas mo na..